Wednesday, August 9, 2017

Pagbilang ng Sampu

Isa - isang beses palang nung nakita ka, nahulog na loob ko sayo. Di ko alam kung anong wala sa iba na meron lang sayo.

Dalawa- dalawang araw kong inintay ang pag accept mo sakin sa facebook.

Tatlo- tatlong oras kitang ka-chat hanggang sa umabot ang oras na crush mo na ang topic natin.

Apat- Apat na Linggo nating kinilala ang isa't isa. Apat na Linggo rin tayong di nagkikita.

Lima- Limang letra ang sinabi ko nung nagkita tayong muli sa ikalawang pagkakataon. "Hello"

Anim- Anim na minuto kong pinigil ang kilig ko hanggang makapunta ako ng comfort room.

Pito- Pitong tao na ang pinagtanungan ko kung nasan ka. San ka pumunta. Walang chat, walamg text. Nasan ka ba?

Walo- Walong tawag na ang ginawa ko sayo pero di mo sinasagot.

Siyam- Siyam na tao ang pumalibot sayo habang duguan ka na may dala dalang munting regalo.

Sampu - Sampung salita ang nakasulat sa ibabaw ng iyong regalo , "Mahal na mahal kita, sorry kung ako'y nawala ng matagal" .


Monday, August 7, 2017

Liham para kay crush

Dear crush,
             Sa limang taong nangangarap na kapiling ka, limang taon ring patuloy na umaasa, nasa sana'y paggising ko'y tayo na, ngunit iba ang gusto mong kasama.
            Sa likod ng iyong magandang maskara, may kabaitan kang sa aki'y humihila. Bawat pagrereply mo sa chat ko, walang kapantay na tuwa ang nararamdaman ko. Ngunit sa bawat chat mo, ang topic natin ay crush mo. Wala na bang puwang ang gantong tao sa puso mo? Kelan mo mapapansin ang isang tulad kong humahanga sayo? Kahit simpleng 'HAHAHA' lang, nabubuo mo ang araw ko. Kahit simpleng like emoji lang, napapasaya mo ako. Kahit simpleng kaway lang, ibang tuwa na ang nararamdaman ko. Di man ako ang iyong gusto, sana'y maappreciate mo ang effort ko. Ang masasabi ko lang sayo, 'Sana magtagal kayo ng kinakasama mo'.

                                                        Nagmamahal,
                                                        Tagahanga mo